PAGKAGALING sa pagdiriwang ng Pasko sa piling ng mga kababayan nating nasalanta ng bagyong ‘Nona’ sa Mindoro, nagulat kami na nasa New York na agad sa simula ng Bagong Taon ang esposa ni Presidentiable Mar Roxas na si Ms. Korina Sanchez-Roxas.
Inakala naming bakasyon, pero back to work na pala kaagad siya ikalawang araw pa lang ng 2016.
Sinadyang pinuntahan ni Korina si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa New York para sa ekslusibong panayam ng Rated K na ayon mismo sa kanya ay agad nang mapapanood sa Linggo, Enero 9.
Winter sa New York kaya talagang balot na balot si Korina sa kanyang photo post sa social media na may caption, “In New York for work and loving the break and the cold temperature.”
Sinamantala na rin ng Rated K host ang panonood ng Allegiance musicale play ni Lea Salonga sa Broadway.
Ipinost ni Koring ang playbill ng Allegiance at ang picture nila ng Broadway star, “Watched Lea Salonga’s new musicale, Allegiance. I thought it was good. Compelling, great story. One critic hailed Lea as one of the ‘top three best voices in Broadway history’. Ha, ha, ha I’m such a fan.”
At siyempre, natunton na rin ni Ms. K ang sadya niya sa New York, si Miss Universe Pia Wurtzbach at may kuha silang dalawa.
Aniya, ang mga tanong niya kay Pia ay kung, “Mabigat ba ‘yang crown? Totoo ba ang mga diamonds? Has PNoy (President Noynoy Aquino) called you up yet? Are you still friends with Miss Colombia? Abangan ang mga sagot in Rated K, this Sunday!!! #MissUniverse2015”.
Kasama rin si Dyan Castillejo sa panayam ni Korina kay Pia. Matatandaang si Dyan ang nag-cover ng nakaraang Miss Universe Pageant sa Las Vegas.
Nag-post din ang Rated K host ng litrato nila nina Dyan at Pia habang namamasyal sa pamosong Central Park sa New York.
At ang caption ni Korina, “what a beautiful day in the city and what a great walk with Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach in Central Park. Here with Dyan Castillejo. People recognize her wherever we went asking for photos with her. She is a true international star.”
Samantala, hindi naman binanggit kung kailan ang balik ng Pilipinas ni Korina.
–Reggee Bonoan