LEGAZPI CITY – Ang 2016 ang banner year ng “Albay Rising”, ang development battlecry ng lalawigan, at nanawagan si Gov. Joey Salceda sa mga Albayano na pagtulung-tulungan nilang paarangkadahin ang probinsiya tungo sa minimithing sustainable development.

Nakapaloob sa Albay Rising ang programang pangkaunlaran na isinusulong ng gobernador sa siyam na taon ng kanyang panunungkulan na magtatapos sa Hunyo.

Kakandidato siyang halos walang kalaban para sa ikalawang distrito ng Albay sa eleksiyon sa Mayo.

Hinimok ni Salceda ang mga taga-lalawigan na sama-sama nilang pursigihin ang pag-unlad ng Albay sa pamamagitan ng masiglang turismo, agrikultura, maliliit na negosyo, edukasyon, kalusugan, social protection, disaster risk reduction, at climate change adaptation.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Isa sa pinakamalaking idaraos sa Albay sa Abril ang Palarong Pambansa 2016.

Umani ng maraming pandaigdigang pagkilala ang turismo ng Albay, na ang huli ay ang $1-million 2015 CEO Challenge Award ng Pacific Area Tourism Association.

Sinabi pa ni Salceda na noong nakaraang taon ay nasa 376,000 dayuhang turista ang bumisita sa Albay, mas mataas ng 11 porsiyento sa naitala noong 2014.