Honda Tree planting (for Broom Broom Page 11) ) copy

Sa pakikipagtulungan ng Haribon Foundation, matagumpay na naisagawa ng Honda Foundation, Inc. (HFI) ang taunang tree planting activity sa Mt. Banahaw-San Cristobal Protected Landscape sa Rizal, Laguna.

Ang HFI ay bahagi ng Corporate Social Responsibility ng Honda Group of Companies sa Pilipinas na binubuo ng Honda Philippines, Inc. (HPI); Honda Cars Philippines, Inc. (HCPI); Honda Parts Manufacturing Corp.; at Honda Trading Philippines Ecozone Corp.

Mahigit 200 volunteer mula sa mga naturang kumpanya at dealer sa iba’t ibang panig ng bansa ang nakibahagi sa proyekto.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Kasama rin sa pagtatanim ng puno ang mga miyembro ng 59th Infantry Battalion, 2nd Infantry Division ng Philippine Army, at ilang media na walang kapagurang inakyat ang Mt. Banahaw.

Umabot sa 5,000 puno ang naitanim sa tulong ng Haribon Rainforest Organization at Advocates (ROAD) to 2020.

Plano ng grupo ng makapagtanim ng puno sa isang milyong ektarya ng kagubatan sa bansa sa loob ng 10 taon.

Sa ikaanim na taon ngayon, nakapagtanim na ang HFI ng mga puno sa 18 ektaryang lupain na umabot na sa mahigit 30,000 sa Laguna at Quezon.

Samantala, ang HCPI ay nakikiisa sa mga mamamayan sa pagsasaayos at pangangalaga ng kapaligiran.

Kabilang sa mga proyektong inilunsad ng prestihiyosong kumpanya ng sasakyan ay ang Blue Skies for Our Children Campaign kung saan kaakibat nito ang Department of Environment and Natural Resources, Climate Change Commission, Clean Air Initiative for Asian Cities (CAI-Asia), Philippine Business for the Environment, Department of Energy, Haribon at mga corporate fleet partner ng Honda.

Nangunguna rin ang Honda sa mga hanay ng kumpanya ng sasakyan sa pagsusulong sa fuel efficiency at pagbabawas sa usok na ibinubuga ng mga kotse.

Ipinagmalaki ng Honda ang pagkakaloob ng Euro-4 certification para sa mga sumusunod na modelo: Brio, Brio Amaze, Mobilio, CR-V, Civic, Jazz, HR-V, Accord, Odyssey at CR-Z.

Tiniyak ng Honda na ang kanilang mga produkto ay hindi nakapeperwisyo sa kapaligiran at mamamayan kaugnay sa umiiral na Department of Environment and Natural Resources Administrative Order (DAO) No. 2015-04.

Ang naturang prinsipyo ay mula kay Soichiro Honda dahil batid nito ang masamang epekto ng climate change at patuloy itong magpupursige na mabawasan ang greenhouse gas emission sa lahat ng aktibidad ng Honda.

Mula sa pagkukumpuni hanggang sa pagtatapon, ang mga aktibidad pangkalikasan ng Honda ay higit pa sa isinusulong nitong Corporate Social Responsibility.