Kailangang ipaliwanag ni Vice President Jejomar C. Binay sa mamamayan kung saan nanggaling ang milyun-milyong pisong pondo na itinustos niya sa mga political advertisement noong 2015.

“Hindi pa man nagsisimula ang panahon ng kampanya, gumastos na siya ng mahigit P600 milyon para sa TV ads pa lang.

Hindi pa kasama rito ang iba pang campaign expense,” ayon kay Rep. Barry Gutierrez, tagapagsalita ng Liberal Party.

“Kaya ang tanong: Saan kinuha ni Vice President ang pera na kanyang ginastos para sa ads? Dapat siyang magpaliwanag,” dagdag ni Gutierrez.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ito ay bilang reaksiyon sa resulta ng Nielsen survey, na inakusahan ng LP ang kampo ni Binay na may pinakamalaking ginastos sa political ads nitong nakaraang taon, na sinundan ni Sen. Grace Poe at ni LP standard bearer Mar Roxas.

Sinabi ni Gutierrez na pinatunayan ng survey na ang campaign strategy ni Roxas ay epektibo sa pagpaparating ng kanyang plataporma sa masa.

“We go directly to the people to send the message of Daang Matuwid, we have less emphasis on air war,” paliwanag ni Gutierrez.

Sinabi ni Gutierrez na ito rin ay patunay na hindi galing sa kaban ng gobyerno ang kanilang pondo sa eleksiyon.

“Malinaw din sa report na ito na ang mga kalaban namin ay gumagastos nang todo sa mga advertisement,” aniya.

(Aaron Recuenco)