Mahigpit na ipagbabawal ng Manila City government ang pagbebenta at pag-inom ng alak sa mga lugar na daraanan ng Traslacion ng Nazareno sa Enero 9.

Ito ay matapos aprubahan ni Mayor Joseph “Erap” Estrada ang Executive Order No. 03 na nagbabawal sa pagbebenta at pag-inom ng alak sa Sabado kasabay ng Pista ng Itim na Nazareno.

“No person shall sell, offer, serve, buy or take beer, wine or intoxicating liwuirs in any street, sidewalk, plaza or in any other place within 200 meters of any of the following: The minor basilica of the Black Nazarene, the image of the Black Nazarene, the procession or any vigil area or any other activity area of the Traslacion,” nakasaad sa EO 03.

Kamakalawa, nilagdaan ni Estrada ang isa pang executive order na nagsususpinde sa lahat ng lebel ng klase sa mga paaralan sa siyudad, pribado man o pampubliko, sa Sabado.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Milyun-milyong deboto ang inaasahang daragsa sa lugar ng Quiapo upang makiisa sa taunang tradisyon na pinaniniwalaang milagroso.

Hinayaan naman ng alkalde sa mga pribadong tanggapan sa Maynila kung papayagang pumasok pa sa trabaho ang kanilang mga empleyado sa Sabado. (Jenny F. Manongdo)