Napili ng Mahindra Enforcers bilang reinforcement sa darating na PBA Commissioner’s Cup ang NBA D-League veteran na si Augustus Gilchrist.
Ito’y matapos mabigong maibalik ang mga naunang pinagpipilian na sina PJ Ramos at Hamady N’Diaye.
Inaasahang pupunan ni Gilchrist ang dating puwesto ng 7-foot-4 na si Ramos na kasalukuyang naglalaro sa China at nakapagtala ng average na 35.9 puntos at 21.2 rebounds noong nakaraang Commissioner’s Cup bilang import ng Kia.
Inaasahan ding mangunguna ito sa depensa na gaya ng ginawa naman ni N’Diaye noong nakaraang Governors Cup kung saan nagtala ito ng average na league-best 5.3 blocks, 17.6 puntos at 15.2 rebounds in.
Ayon sa kanyang agent na si Sheryl Reyes, si Gilchrist ay may taas na 6-foot-10,
Bukod sa mga numero na inaasahan sa kanya, hangad din ni coach Chito Victolero na makakapag-jell ng maayos sa core ng Mahindra na binubuo nina LA Revilla,, KG Canaleta, Aldrech Ramos, Karl Dehesa at rookie slotman Bradwyn Guinto.
Naglaro si Gilchrist ng college ball sa University of South Florida para sa US NCAA.
Naging manlalaro naman siya ng Iowa Energy at naging kakampi ni Barangay Ginebra import Othyus Jeffers sa loob ng dalawang taon sa D League kung saan siya nagposte ng 6.9 puntos at 4.3 rebounds bago lumahok sa 2012 Draft kung saan nabigo syang mapili.
Nakatakda siyang dumating sa Enero10, Linggo, kasabay ni dating PBA Best Import Rob Dozier na import naman ng Alaska.