Halos hindi nagbago ang antas ng mga pamilyang Pilipino na itinuturing ang kanilang mga sarili na “mahirap” sa fourth quarter ng 2015, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Isa isang nationwide survey na isinagawa noong Disyembre 5-8 sa 1,200 respondent, 50 porsyento na katumbas ng 11.2 milyong pamilya ang nagsabing sila ay mahirap sa nakalipas na tatlong buwan.

Tinanong ng survey ang mga respondent na, “Saan po ninyo ilalagay ang inyong pamilya sa kard na ito?” Ipinakita sa showcard ang mga pagpipilian na “hindi mahirap”, “sa linya” at “mahirap”. Ang survey ay unang inilathala sa BusinessWorld noong Enero 6, 2015.

Ang huling resulta ay katulad sa 50 porsyentong naitala sa third quarter ng 2015.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ang pinakamababang self-rated poverty sa panahon ng administrasyong Aquino ay noong Hunyo 2013 na mayroong 49 porsyento.

Gayunman, binigyang diin ng SWS na ang average self-rated poverty na 50 porsyento noong nakaraang taon ay ang lowest yearly average simula noong 2011 na naitala sa 49 porsyento. Ang average noong 2014 ay 54 porsyento.

Iniugnay ng SWS ang matatag na self-rated poverty rate sa fourth quarter ng 2015 sa malaking pagbaba sa Mindanao (mula 70 porsyento noong Setyemnbre sa 51 porsyento noong Disyembre), na binawi ng mga pagtaas sa ibang bahagi ng Luzon (mula 38 porsyento sa 46 porsyento), Metro Manila (mula 32 porsyento sa 37 porsyento) at Visayas (mula 66 porsyento sa 71 porsyento). (Ellalyn De Vera)