Isang season-high 25puntos ang pinakawalan ni Kyrie Irving habang pumukol naman ng walong 3pointers para sa 24 marka si J.R. Smith upang magiting na pamunuan ang Cleveland Cavaliers kontra Toronto Raptors, 122-100, sa Quicken Loans Arena Lunes ng gabi (Martes sa Pilipinas).

Sa kanyang ikaanim na laro matapos magtamo ng ‘broken left kneecap’, kumonekta si Irving ng 10 tira mula sa 16 na subok dagdag pa rito ang 8 assists at 6 na rebounds. Season-high record naman ang walong 3 s na ikinonekta ni Smith sa kabuuan ng laban.

Gamit ang 21-9 bomba sa ikatlong yugto ng laban, nagsimulang umabante ang Cavaliers sa madikit na Raptors na pinangunahan ng 23puntos ni Kyle Lowry.

Ang matalas na 3s na pinakawalan ni Smith sa gitnang bahagi ng ikatlong quarter ang nagkalas ng 69-all na bigkis ng magkalabang koponan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Dalawang dunk at isang three-pointer mula kay James, isang lay-up galing kay Irving at isang tres ni Matthew Dellavedova ang nagsilbing hudyat ng pag-alagwa ng Cavaliers, tangan ang 90-78 bentahe patungong huling quarter.

Ang star player ng Cavaliers na si LeBron James, na hindi na kinailangan pang maglaro sa huling quarter, ay nag-ambag ng 20puntos at 7 assist habang limang iba pang manlalaro ng Cleveland ang tumapos sa double figures.

Tumulong si Tristan Thompson na may 14 na puntos at 11 rebound samantalang mayroong 14 na puntos si Kevin love para sa Cavaliers, na umangat sa 15-1 kartadang panalo-talo sa loob ng kanilang bahay.

Si Demar DeRozan ay 19 ng puntos para sa Raptors habang sina Patrick Patterson at Bismack Biyombo ay may 15 at 10, ayon sa pagkakasunod. Hindi naman nakapaglaro ang forward na si DeMare Carroll dahil sa pamamaga sa kanang tuhod.

(MARTIN A. SADONGDONG)