Pinadapa ng Lyceum of the Philippines University ang Emilio Aguinaldo College, 12-0, upang manatiling buhay ang tsansang makausad sa semifinals sa pagpapatuloy kahapon ng aksiyon sa 91st NCAA football tournament sa Rizal Memorial Football field.

Nagtala si Mariano Suba ng kabuuang anim na goals habang nagdagdag naman ng tig-isang goal sina Beejay Gonzales at Christopher Villanueva para pangunahan ang nasabing panalo ng Pirates, ang kanilang ikalawa matapos ang limang laro.

Dahil sa panalo, dumikit ang Pirates sa kanilang biktima na bumaba sa patas na barahang 2-2 at posible pang makopo ang ika-apat na puwesto at huling semifinals berth kung magagawa nilang tumabla sa Generals dahil mayroon silang mas mataas na goal difference.

Ang iba pang nakapagtala ng goals para sa Lyceum ay sina Noli Dollentes at Zynadyne Penaflor.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Ang reigning titlist San Beda at ang College of St. Benilde ang kasalukuyang nangunguna sa torneo na kapwa may malinis na barahang 4-0.

Ngunit dahil mas mataas ang goal difference ng Red Lions, 58-54, sila ang nasa tuktok ng standings habang pangatlo naman sa kanila ang Arellano Univeristy na may barahang 4-1, panalo-talo. (MARIVIC AWITAN)