Ang dalawang pangunahing rookie sa nakaraang PBA D-League draft ay agad na matutunghayan sa opener sa pagsalang ng first overall pick na si Jason Perkins na kinuha ng Caida Tiles kontra sa Tanduay Rhum kung saan naman lalaro ang 3rd overall pick na si Von Pessumal sa pagbubukas ng Aspirants’ Cup sa Enero 21, sa San Juan Arena.

Ganap na 2:00 ng hapon ang sagupaan ng dalawang koponan pagkaraan ng opening ceremonies sa 1:00 ng hapon.

Agad naman itong susundan ng salpukan ng dalawang UAAP school based squads na UP - QRS Jam Liner at BDO - National University sa 4:00 ng hapon.

Tiyak na aantabayanan ang unang laban sa pagitan ng Tile Masters at Rhum Masters dahil sa pagtutuos ng dalawang rookies na inaasahang muling magpapainit sa kanilang nasimulang rivalry noong naglalaro pa sila sa UAAP, si Perkins para sa La Salle at si Pessumal naman para sa Ateneo.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Maaari rin itong maging tunggalian ng dalawang potensiyal na paborito dahil kapwa naghahangad ang dalawang koponan, ang Caida na dating Racal Motors, at ang Tanduay na makalagpas ng playoffs at magkampeon sa torneo.

Inaasahang magiging matindi ang labanan ngayong taon para sa siyam na kabuuang koponang kalahok sa pagkawala ng ilang mga powerhouse teams na nagsipagwagi sa liga ng mga nakalipas na taon kabilang ang defending Aspirants’ Cup champion Hapee at last year’s contenders Cagayan Valley at Cebuana Lhuillier.

At dahil kapwa malakas ang kani-kanilang roster ngayong taon, malaki ang tsansa ng Caida at Tanduay na magkampeon ngayong taon.

“We’ve always longed for a big man which can give us stability underneath,” ayon kay Caida head coach Caloy Garcia.

“With Perkins, we have a presence underneath and he can do a lot of things too. So hopefully we can improve from our previous outings,” dagdag nito.

Muling pangungunahan ang Tile Masters ng kanilang tatlong mahuhusay na playmakers na sina Jiovanni Jalalon, Jeff Viernes at Rudy Lingganay.

Sa kabilang dako, ang Rhum Masters naman ay isasalang ang parehas na core ng koponan noong isang taon na sasamahan ng dalawa sa pinakamalaking pangalan noong nakaaraang UAAP Season 78 para sa University of Santo Tomas na sina Kevin Ferrer at Ed Daquioag.

“We hope to move past our previous performances and we’ll try to form the best team this year,” pahayag ni Chongson. (Christian Jacinto)