ISA sa malalaking isyu na inaasahang aabutan ng susunod na administrasyon ay ang panukalang pagpapababa ng income taxes.

Sinasabi ng mga nagsusulong na ang panukalang ito ay magpaparami sa mga nagbabayad ng buwis at aakit ng mga mamumuhunan, kaya lalaki rin ang kita ng pamahalaan.

Sa kabilang dako, sinasabi ng pamahalaan na ang panukala ay mangangahulugan ng pagkawala ng P29-bilyong buwis bawat taon.

Batay sa panukalang nakabimbin sa Kamara, ang corporate income tax ay ibababa sa 25 porsiyento mula sa 30%.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Itinatadhana rin ng panukala, para sa individual taxpayers, na ang ang mga kumikita ng mababa sa P180,000 sa isang taon ay exempted sa pagbabayad ng income tax; ang kumikita ng P180,000-P500,000 ay papatawan ng 9% na buwis; ang tax rate sa kumikita ng P500,000-P10 milyon ay 17%; ang pinakamataas na tax rate na 30% ay ipapataw sa kumikita ng mahigit P10M.

Kung tutuusin, parehong may katwiran ang pamahalaan at ang mga nagsusulong sa pagpapababa ng income taxes. Para sa pabor sa panukala, ang mababang buwis ay magpapalaki sa kinikita ng mga pamilya at magtataas ng kakayahang gumasta, na magsusulong sa ekonomiya.

Ang mababang buwis ay mabisa ring pang-akit sa mga mamumuhunan, at magpapalaki sa kinikita ng pamahalaan, ayon sa Joint Foreign Chambers (JFC).

Mula pa noong 2010 ay isinusulong na ng JFC ang pagpapababa sa income taxes at ang pagtataas consumption taxes gaya ng VAT, dahil ang Pilipinas, ayon sa JFC, ang may pangalawang may pinakamataas na personal income tax at pinakamataas na corporate income tax sa limang pangunahing ekonomiya ng ASEAN.

Ang mataas na corporate income tax marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit maliit lang ang pumapasok na foreign direct investment (FDI) sa Pilipinas. Umabot ito sa $6.2B noong 2014, pinakamababa sa ASEAN-6.

Sa kabila ng pakiusap ng mga mambabatas at panawagan ng pribadong sektor, hindi nagbabago ng pamahalaan laban sa panukala dahil umano sa kahalagahan ng pagpapanatili ng fiscal stability.

Ayon kay Finance Secretary Cesar Purisima, ang panukala ay maglalagay sa panganib sa credit rating ng Pilipinas at sa katatagan ng pananalapi ng pamahalaan.

Sa madaling sabi, ang debate ay sa pagitan ng katatagan at pagsulong. Kapwa mahalaga ang mga ito, kaya dapat na magpasya ang susunod na administrasyon kung alin ang bibigyan ng mas mataas na prioridad, o paano babalansehin ang mga ito.

(Ipadala ang reaksiyon sa: [email protected] o dumalaw sa www.mannyvillar.com.ph) (MANNY VILLAR)