Pinigil ng mga tauhan ng Office of Transportation Security (OTS) at Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group (ASG) ang isang overseas Filipino worker (OFW) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City matapos makuhanan umano ng isang bala sa kanyang bag.

Kinilala nina PNP AvSec Insp. Jose Riegozumell Gaspar at Chief Insp. Renato Engcot ang pasahero na si Gina T. Maliwat, 34, ng Poblacion Sur, Talavera, Nueva Ecija.

Ayon sa pulisya, dumating si Maliwat sa NAIA North Wing Departure area dakong 10:15 ng umaga noong Sabado.

Nang isalang ang kanyang bag sa x-ray machine, lumabas ang imahe ng isang bala sa loob ng Calvin Klein shoulder bag nito. Pasakay na sana si Maliwat sa PAL flight PR352 patungong Macau nang makita ang isang bala ng .45 caliber pistol sa loob ng kanyang bag.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Nasaksihan ni Aldrin Armada, airline representative, ang pag-inspeksiyon ng airport authorities sa bag ni Maliwat kaya inilagay sa kustodiya ng airport police upang sumailalim sa imbestigasyon.

Subalit matapos ang 12 oras ay pinalaya rin ang OFW sa utos ng isang Pasay City prosecutor. (Ariel Fernandez)