maria ozawa at cesar montano copy

MALAKING bagay at karangalan para sa mga tao sa likod ng produksiyon ng Nilalang ang kanilang napanalunang limang technical awards sa MMFF 2015 Awards Night.

Napanalunan ng action-suspense thriller na pinagbibidahan nina Cesar Montano at hot Japanese star na si Maria Ozawa ang mga sumusunod:

Best Cinematography para kay Pao Orendain, Best Editing para kay Jason Cahapay, Best Musical Score para sa beteranong si Jesse Lasaten, Best Sound para sa award-winning nang si Ditoy Aguila, Best Special Visual Effects, represented by Dondi Chuidian.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sa limang winners, sina Cahapay at Aguila lamang ang nakarating sa awards night upang tanggapin ang kanilang tropeo.

Kasalukuyang nasa USA ang direktor ng Nilalang na si Pedring Lopez upang doon mag-Holidays, ngunit may inilabas siyang pahayag (online).

“Malaking inspirasyon sa aming mga bago pa lang sa industriya ang recognition ng awards na ito. Lalo na kapag matindi ninyong pinaghirapan ang paggawa ng movie,” ani Direk Pedring.

Samantala, simula noong January 1, dahil na rin sa clamor ng netizens, nagdagdag ng mga sinehan ang Nilalang, at ito ay ang mga sumusunod: 

Glorietta 4, SM North Edsa, SM Megamall, SM Marikina, SM Manila, SM Fairview, SM South Mall, SM Sta Mesa, Robinsons Galeria, Gateway, SM Iloilo, SM Lanang, SM Cebu, SM Bacoor, Robinsons Pampanga, Robinsons Metro East, Festival Mall, Market Market.

Simula naman January 4, 2105 papasok ang additional cinemas na ito: SM Mall of Asia, Trinoma, at Robinsons Ermita.

Sa kabila ng “gulo” at kontrobersiya sa likod ng MMFF ngayong taon ay nagpapasalamat ang WeLovePost, Haunted Tower Productions, Parallax Studios, at Viva Films – mga produksiyon sa likod ng maaksiyong pelikula – sa blessing ng hindi lamang isa o dalawang technical awards, kundi lima! (MELL NAVARRO)