Nagsagawa ng kilos protesta sa harapan ng punong tanggapan ng Social Security System (SSS) sa East Avenue, Quezon City noong Martes ang mga militanteng grupong nananawagan na isabatas na ang dagdag na pensiyon sa mga retiradong miyembro.
Pinangunahan ng Kilusang Mayo Uno at Bayan Muna ang kilos protesta para sa panawagang lagdaan na ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang panukalang batas na nagkakaloob ng karagdagang P2,000 across the board sa SSS pension.
Ipinasa ng Kamara ang panukala noong Hunyo habang pinagtibay ito sa Senado nitong Nobyembre ng nakaraang taon at naghihintay na lamang ng lagda ng Pangulo para lubusang maging batas.
Hindi naman nakasagabal sa trapiko ang mga raliyesta na kusang nag-alisan pagkatapos ng kanilang programa.
(Jun Fabon)