markmn copy

MASAYANG-MASAYA at thankful si Mark Herras na nagtapos ang 2015, na bagamat natapos na ang hosting job niya sa Starstruck 6 last December 19 ay may dalawa pa siyang ipinalalabas na drama series.

Una, ang daily morning serye na Dangwa with Aljur Abrenica and Janine Gutierrez; ginagampanan ni Mark ang role ni Baste na secretly in love kay Rosa (Janine) na hinahanap ang ina, na later on, makikita niya ang ina na mayaman pala. 

Tuwing gabi naman napapanood si Mark sa pinag-uusapang Little Nanay as Peter, na isang seryosong kapatid ni Tinay (Kris Bernal) pagkatapos ng Marimar. Magkaibang characters, na mahusay niyang nagagampanan.

Trending

Netizens naka-relate, napahugot sa 'Hindi na marami ang tubig ng instant noodles'

At sa pagpasok ng 2016, may bagong serye pang gagawin si Mark, ang Wish I May na mapapanood na simula sa January 18.

“Kaya po very thankful ako sa GMA-7 sa pagbibigay ng maraming work sa akin,” sabi ni Mark. “Lahat po naman ng pagsisikap ko para sa anak kong si Ada. Kaya naman dito sa bago kong afternoon prime, sana po ay magustuhan ninyo dahil iba naman ang role na gagampanan ko. Mas seryoso na po ako talaga ngayon sa work ko. At salamat din po sa lahat ng sumusubaybay sa mga drama series namin.” (NORA CALDERON)