BERLIN (AFP) – Nayanig ang mga German leader sa ilan dosenang kaso ng tila magkakaugnay na sexual assault laban sa kababaihan sa New Year’s Eve sa kanlurang lungsod ng Cologne.

Nanawagan si Chancellor Angela Merkel ng masinsinang imbestigasyon sa “repugnant” attacks, mula sa panghihipo hanggang sa isang iniulat na panggahasa, sa maraming nagsasaya sa pagtatapos ng taon sa labas ng pangunahing train station ng lungsod at sa pamosong Gothic cathedral nito.

Sinabi ng pulisya sa Cologne na nakatanggap sila ng 90 criminal complaint noong Martes at sinabi ng mga saksi na isang grupo ng 20-30 batang kalalakihan “who appeared to be of Arab or North African origin” ang pinalibutan ang mga biktima, minolestiya at pinagnakawan. Kabilang umano sa mga inatake ang isang policewoman na naka-sibilyan.

Ang northern port city ng Hamburg ay nag-ulat din ng 10 kaparehong pag-atake.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'