KALIBO, Aklan - Pormal na pinabulaanan ng tanggapan ng isang airport lounge malapit sa Kalibo International Airport ang napaulat na tumanggi silang pagsilbihan ang isang Pilipinong sundalo noong Enero 1, 2016.

Ayon kay Judith Jorque, Pinay staff ng lounge sa Discover Boracay Hotel and Spa, isa siya sa mga nakausap ng sundalong nagpakilalang si Lt. Ryan Layug nitong Biyernes.

Sa kanyang emosyonal na pahayag, sinabi ni Jorque na hindi totoo ang mga akusasyon ni Layug na tinanggihan nila ito sa lounge dahil para lamang ito sa mga Korean.

Matatandaang ipinost ni Layug ang insidente sa kanyang Facebook account, at naging viral ito.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

“I am Ryan Layug, a soldier, a Filipino. I am returning to duty in Mindanao after my New Year’s leave. I am a bit worried that I might be reprimanded of (sic) this post but as a soldier I defend democracy, and I will defend my fellow Filipinos (in) the face of discrimination,” saad sa post ni Layug.

Ang nasabing post ay umani ng 19,279 shares at likes hanggang 1:26 ng hapon nitong Enero 3.

Ayon kay Jorque, handa ang kanilang tanggapan, kasama ang kanilang South Korean service staff, na harapin ang anumang imbestigasyon kaugnay ng insidente.

Pinag-aaralan na rin ng management ng establisimyento na kasuhan si Layug. (Jun N. Aguirre)