Nanawagan si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa mga mananampalataya na makiisa at ipagdasal ang 51st International Eucharistic Congress (IEC) na gaganapin sa Cebu City sa Enero 24-31.
Ayon kay Villegas, mahalaga ang Eukaristiya sapagkat nakasentro ito sa buhay ng bawat Kristiyano na siyang rurok ng pananampalatayang Katoliko.
Ang mga mananampalatayang hindi makadadalo sa IEC sa Cebu ay maaaring magdasal na lamang sa mga adoration chapel at magsimba araw-araw.
“Kung hindi po kayo makakapunta, maaari po kayong pumunta sa adoration Chapel, maaari kayong magsimba araw araw; sapagkat sa misa po kahit saan tayo naroroon nagkakaisa tayo sa ating Panginoon,” pahayag ni Villegas sa panayam ng Radyo Veritas. (Mary Ann Santiago)