KEVIN BELINGON PHOTO copy copy

Sa wakas ay makakalaban na rin sa kampeonato ang Filipino bantamweight na si Kevin “The Silencer” Belingon (13-4) sa ONE Championship sa kanyang pagsagupa sa longtime champion na si Bibiano Fernandes (18-3) sa ONE WUJIE: Dynasty of Champions sa Enero 23 sa Changsa Stadium sa China.

Nakailang ulit na nabulilyaso ang nasabing title shot para kay Belingon sa nakalipas na ilang taon kasunod ng kanyang kabiguan kina Masakatsu Ueda at Dae Hwan Kim noong 2013 at 2014.

Ngunit pagkaraan ng kanyang one-sided decision na panalo kontra kay Koetsi Okazaki noong Disyembre 2014, nagdesisyon ang pamunuan ng ONE na bigyan ang Lakay MMA standout ng pagkakataon na makalaban sa kampeonato sa kabila ng galing ito sa 13 buwang lay-off.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Inaasahang mapapalaban nang husto si Belingon sa kanyang pagharap kay Fernandes na hindi pa nakakatikim ng pagkatalo mula noong Disyembre 2010.

Si Fernandes ay nasa ika-5 ranggo sa Bantamweight world ranking at kinukonsiderang top 135er sa labas ng UFC. Kilala siya bilang “slick submission artist” na may blackbelt sa Brazilian Jiu Jitsu at manggagaling sa one-punch knockout win kontra kay Toni Tauru noong Hulyo.

Kasama rin sa card ang dating Filipino boxer na si Roy Doliguez (6-2) na mapapalaban naman kay Riku Shibuya (13-3) ng Japan sa strawweight division.

Kinapos si Dolgieuz sa pagwawagi ng titulo laban kay Dedjdamrong Sor Amnuaysirichoke kaya’t naghahangad itong makabawi kay Shibuyawho na kagagaling naman sa panalo kontra sa Filipino fighter na si Eugene Toquero.