BEA AT ZANJOE_please crop po copy

CONTRARY sa naglalabasan na namang tsismis, hindi hiwalay sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo!

Yes, Bossing DMB, hindi truliling hiwalay ang magsing-irog dahil kamakailan lang ay magkasama silang nag-dinner with Enchong Dee at ang handler nilang si Monch Novales.

Nakita namin ang naka-post na litrato ng kanilang handler sa Facebook account nito kahapon na may caption na, “Na miss nila ako… but mas na miss ko sila. Thanks for the post holiday dinner with @zanjoemarudo @beaalonzo @mr_enchongdee.”

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Hayan, siguro naman matatapos na ang haka-haka kina Bea at Zanjoe na for the nth time ay break na raw.

Itinuturo kasing dahilan this time na hindi magkasama ang dalawa noong Bagong Taon sa European tour ni Zanjoe. Ang kuwento naman sa amin ng taong malapit sa dalawa, hindi magkasama ang magkasintahan noong Bagong Taon dahil naging abala si Bea sa family reunions nila.

Oo nga naman, family first dapat dahil hindi pa naman sila kasal. Tama ba, Bossing DMB.

(Siyempre! Alam ng fans ni Bea o ng buong entertainment industry kung gaano siya ka-dedicated sa pamilya niya. –DMB)

Kaya ngayong pareho nang libre sa oras sina Bea at Zanjoe, nagkaroon na sila ng time na mag-bonding kasama pa si Enchong.

E, teka, bakit nag-iisa si Enchong sa dinner date nila? Asan naman ang girlfriend niyang si Samantha? Hmmm, hindi kaya sila naman ang ma-tsismis na hiwalay na? (REGGEE BONOAN)