Mahigit sa kalahati na ng mga kontrabando, na naipuslit ng mga preso sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) sa sunud-sunod pa pagsalakay sa ilalim ng “Oplan Galugad” sa nakalipas na mga linggo.

Pinangunahan nina BuCor Director Ricardo Rainier Cruz III at NBP Supt. Richard Schwarzkopf Jr. ang ika-11 pagsalakay sa Quadrant 4 ng Maximum Security Compound at nakumpiska muli ang mga kontrabando, gaya ng mga patalim, aquarium, alagang kalapati, pornographic DVD, sex toy, air-conditioning unit, refrigerator, water dispenser, at cell phone, kahapon ng umaga.

Ayon kay Schwarzkopf, isa sa nakumpiskang cell phone ay may text message na nakasaad ang “babala sa mga bilanggo mula sa isang jail guard kaugnay ng pagsalakay ng BuCor.”

Aabot sa 67 tooter at balisong ang unang nakumpiska ng mga NBP guard noong Lunes habang isang .22 magnum pistol ang narekober noong Linggo bago ang pagsalakay ng raiding team.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nangako ang pamunuan ng BuCor na tuluy-tuloy pa rin ang operasyon nito sa NBP hanggang sa maubos ang kontrabando sa pambansang piitan.

Samantala, natanggap na ng NBP ang pondo para sa rehabilitasyon ng Inmate Visitors Service Unit at mga donasyon na mga metal detector at X-ray machine mula naman sa Senado. (Bella Gamotea)