2015 Review International Sports

PERTH, Australia – Hindi lumaro sa kanyang opening match si Serena Williams para sa Hopman Cup dahil sa namamaga ang kaliwang tuhod nito na nakikitang isang maagang kabiguan para sa paghahanda sa pagdidipoensa ng kanyang titulo sa Australian Open.

Nag-ensayo pa ang top ranked na si Williams noong Lunes bago ang kanyang nakatakdang laban kay Elina Svitolina ng Ukraine sa international mixed-team competition sa Perth Arena,ngunit nag-withdraw siya sa laban at pinalitan ni Vicky Duval.

Natalo si Duval,6-4, 6-1 kay Svitolina at nagwagi naman si Alexandr Dolgopolov kay Jack Sock 6-4, 6-2 para makamit ang best-of-three Group A match para sa Ukraine bago nagwagi ang U.S. pair sa mixed doubles 6-2, 6-3.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ayon kay Williams, kumpiyansa siyang makakasama ni Sock sa U.S. team sa paglaban nila kontra Australia Gold team sa susunod nilang laro.

Ayon kay Hopman Cup tournament director Paul Kilderry, nauna nang napaulat na nakakaramdam ng pannakit si Williams sa kanyang tuhod noon pang Linggo.

‘’She wanted to give herself every chance to play, she warmed up this morning but common sense prevailed and she just thought today she can’t do it,’’ ani Kilderry.

Matapos magwagi sa nakaraang Australian at French Opens at Wimbledon noong 2015 , mayroong dalawang buwan si Williams na nabakante bago ang U.S. Open, kung saan nabigo siyang makumpleto ang season Grand Slam makaraang matalo kay Roberta Vinci sa semifinals. (AP)