PBA IMAGE 1 copy

Laro ngayon

Mall of Asia Arena

7 p.m. San Miguel Beer vs. Rain or Shine

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Serbesa o Pintura?

Mag-uunahang makapagposte ng 1-0 bentahe sa kanilang serye ang kapwa tatangkain ngayon ng defending champion San Miguel Beer at ng Rain or Shine sa pagsisimula ng kanilang best-of-7 showdown para sa isa pang semifinals pairings ng 2016 PBA Philippine Cup sa MOA Arena sa Pasay City.

Sa dalawang koponan, matagal na nabakante sa laro ang Beermen matapos na maunang umusad sa semifinals kasama ng topseed Alaska pagkaraang tumapos na no.2 sa eliminations.

Ngunit gaya ng Aces,pinaghandaan ding mabuti ng Beermen ang kanilang pagsabak sa semis lalo pa’t noon pa man ay inaasahan na nila ang pagtatapat nila ng Rain or Shine.

“Hindi naman sa pagmamaliit sa kakayahan ng ibang teams, pero nung makita kong nasa bracket namin sila(ROS), pinaghandaan na agad namin ang Rain or Shine kahit di pa sila naglalaro sa quarterfinals,” pahayag ni Austria.

Naniniwala si Austria na kung mayroon mang koponan na kaya silang gapiin ng kumbinsido, ito’y walang iba kundi ang Elasto Painters na pinatunayan na nito sa nag-iisa nilang laban noong nakaraang eliminations kung saan tinalo sila ng huli sa iskor na 99-84.

“Kung may team na kayang tumambak sa min, Rain or Shine yon,” ayon pa kay Austria.

Bukod sa punong-puno ng talento ang koponan na mas lalo pa aniyang lumakas sa pagbabalik sa aksiyon ng kanilang ace guard na si Paul Lee mula sa natamong knee injury, isa sa mga hindi puwedeng balewalain sa hanay ng Rain or Shine ay ang kanilang mga big men na hindi lamang problema sa ilalim kundi banta din sa outside shooting.

“Hindi mo puwedeng iwan ang malalaki nila, kahit sino dun puwedeng tumira sa labas,”ani Austria na tinutukoy sina Beau Belga, JR Quinahan at Raymund Almazan.

Para naman sa kampo ni coach Yeng Guiao, gaya ng ibang koponan ay aminado itong problema nila ang higante ng Beermen na si Junemar Fajardo kaya naman sila na mismo ang gumawa ng paraaan upang kahit paano’y matugunan ang nasabing problema.

“We know we cannot find anybody bigger than Fajardo so nagpalaki na lang kami,” ani Guiao.

Kabilang sa kanilang kinuha kapalit ng mga nawala nilang players na sina Ryan Arana at Jervy Cruz na kapwa na-trade at ang nagretiro ng si Tyrone Tang ang mga rookies na sina Maverick Ahanmisi at Don Trollano at ang 4-year pro na si Jewel Ponferrada.

“As a team, nawala si TY, pero pumalit naman si Maverick. Nawala si Ryan, pero nandiyan naman si Trollano. Nawala si Jervy pero nandiyan naman si Ponferrada. So all around, nagpalaki kami and I’m hoping na yung size differential will not be much of a problem, especially if we can keep our running game going,” dagdag ni Guiao.

Mismong si Belga ay naniniwalang malaking tulong ang kanilang mga nakuhang rookies sa nakatakda nilang duwelo kontra SMB.

“Iyung chances namin now with our rookies, sobrang ganda kasi they are a bunch of rookies na talagang palaban, at nag-fit in sila sa sistema namin,” pahayag ni Belga.

Ngunit lahat ng ito ay hindi naman nakakawala sa pansin ng Beermen.

“Lahat sila sa Rain or Shine dapat talagang paghandaan,” pahayag naman ng dating league MVP na si Arwind Santos.”

Bawat isa sa kanila dapat respetuhin. Kilala ko si coach Yeng, di sya magpapasok ng player na hindi marunong dumiskarte mag-isa at walang kumpyansa.”

Kaya naman pinagtutuunan nila aniya ng husto ang paghahanda sa kanilang depensa dahil batid nilang mabilisan o takbuhan ang laban sa kanilang nakatakdang pagharap kontra Rain or Shine ayon pa kay Santos. (MARIVIC AWITAN)