DUBAI, United Arab Emirates (AP) — Sumunod ang mga kaalyado ng Saudi Arabia sa ginawa ng kaharian noong Lunes at ibinaba ang diplomatic ties sa Iran matapos ang mga paghalughog sa diplomatic mission ng Saudi sa Islamic Republic, mga karahasan na bunga ng pagbitay ng Saudi sa isang prominenteng Shiite cleric.

Sinabi ng Sudan at ng kaharian ng Bahrain na puputulin nila ang relasyon sa Iran, gaya ng ginawa ng Saudi Arabia noong Linggo ng gabi. Sa loob ng ilang oras, inanunsiyo ng United Arab Emirates na ibababa nito ang relasyon sa Tehran sa antas ng charge d’affaires, habang ang ibang nasyon ay naglabas ng mga pahayag na bumabatikos sa Iran.

Ang napagkasunduang kampanya ng Sunni-ruled Saudi Arabia ay nagbibigay-diin sa agresibong paninindigan ni King Salman at ng kanyang anak, si Deputy Crown Prince Mohammed bin Salman, sa pagharap sa Iran, ang matagal na nitong karibal sa rehiyon.

“What we have seen during the last 24 hours is unprecedented... It shows you Saudi Arabia has had enough of Iran and wants to send a message,” sabi ni Abdulkhaleq Abdullah, political science professor sa Emirates University. “This is the Saudis saying: ‘There is no limit to how far we will go.’”

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'