Pinatawan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 30 araw na suspensiyon ang 10 unit ng Raymond Bus Company makaraang masangkot sa malagim na aksidente ang isa nitong bus sa Quezon, kamakalawa.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, board member for legal ng LTFRB, nagdesisyon ang buong board ng ahensiya na suspendihin muna ang Raymond Bus habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Magugunitang isang empleyado ang nasawi at 42 pasahero ang nasugatan nang bumangga ang nasabing bus sa isang restaurant sa Maharlika Highway, Sariaya, Quezon, noong Sabado ng madaling araw.

Isa sa mga tinitignan ay mechanical failure dahil nagwego umano ang gulong ng naaksidenteng bus nang mag-overtake sa isang mobile police patrol.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Aniya, ipapatawag ngayong Enero ang mga kinatawan ng Raymond Bus para sa pagdinig sa mismong tanggapan ng ahensiya.

(Jun Fabon)