Enero 5, 1968 nang magsimula ang Prague Spring sa Czechoslovakia matapos na maluklok si Alexander Dubcek bilang unang kalihim ng Communist Party ng teritoryo. Sa kanyang pamumuno, tiniyak ni Dubcek ang mas malayang pagpapahayag at isinulong ang rehabilitasyon ng mga militante, at nagsikap na magkaroon ng “communism with a human face.”
Pinatatatag din noon ng Romania ang ugnayan nito sa West.
Isang taon bago ito, dismayado ang mga estudyante at mga manunulat sa mahinang lagay ng ekonomiya ng Czechoslovakia, at ang kawalan ng pangunahing mga karapatan.
Ngunit apat na buwan bago ang Prague Spring, nabuo ang iba pang partido pulitikal at nanamlay ang rebolusyon.
Binasa nang malakas ng Soviet leader na si Leonid Brezhnev ang isang liham na ipinadala ng ilang komunistang Czechoslovak na humihiling ng kanyang suporta sa isang pulong sa Bratislava noong Agosto 3, 1968. Noong Agosto 20, nasa 500,000 tauhan ng Warsaw Pact ang sumalakay sa Czechoslovakia, na nagbunsod upang angkinin ni Gustav Husak ang pamumuno at naibalik ang authoritarian rule sa teritoryo.
Taong 1989 nang muling sumiklab sa Prague ang mga protestang nagsusulong ng demokrasya.