DAGUPAN CITY, Pangasinan – Inihayag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na makararanas ng 10-oras na brownot sa ilang lugar sa Pangasinan bukas, mula 8:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.

Sinabi ng NGCP na maaapektuhan nito ang ilang sineserbisyuhan ng CENPELCO at PANELCO III.

Mawawalan ng kuryente ang mga bayan ng San Manuel, Binalonan, Pozorrubio, Laoac, Mapandan, Mangaldan, at ilang bahagi ng Sison at Urdaneta City.

Dahil sa pagsasaayos sa transmission lines, mawawalan din ng kuryente ng 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, at 5:00 ng hapon hanggang 6:00 ng gabi ang mga kostumer ng DECORP sa San Jacinto, Manaoag, at ilang lugar sa San Fabian. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito