Nawala ang laptop computer ni dating Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri habang pabalik sa Manila mula sa Bangkok, Thailand matapos magbakasyon.

Kinumpirma ni Philippine Airlines (PAL) Spokesperson Cielo Villanueva na nagreklamo si Zubiri tungkol sa kanyang nawawalang laptop posibleng sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 o sa paliparan sa Bangkok.

Ayon sa PAL management, inilagay ni Zubiri ang gamit sa loob ng kanyang check-in luggage na hindi niya kaagad nasuri pagkababa. Nalaman lamang niya na nawawala ang kanyang laptop nang nakasakay na siya sa kanyang sasakyan pauwi sa kanilang bahay.

Kaagad na nagbalik si Zubiri at ang kanyang asawa sa Terminal 2 arrival area at iniulat sa staff ng PAL ang tungkol sa nawawalang laptop.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinuri rin ng dating senador ang CCTV footage ngunit nadismaya sa napakalimitadong coverage sa baggage area.

Tiniyak ni PAL President Jaime Bautista kay Zubiri na personal siyang mag-iimbestiga sa kaso ng pangungupit.

Hindi sumagot si Zubiri sa hiling na pahayag ng mga mamamahayag kaugnay sa isyu. (Ariel Fernandez)