andray-blatche-072815 copy copy

Muling maglalaro sa ikatlong pagkakataon bilang naturalized center ng Gilas Pilipinas si Andray Blatche para sa darating na Olympic World Qualifier na magaganap sa darating na Hulyo.

Ayon kay Gilas Pilipinas team manager Butch Antonio, nagbigay na ng kanyang kasiguruhan si Blatche na maglalaro siya muli para sa Gilas matapos nilang ipaalam dito na nagdesisyon ang National Team na maglaro sa huling qualifying tournament pagkaraang mabigo sa nakaraaang FIBA Asia championships na ginanap sa China noong isang taon.

Katunayan, kaunting mga gusot na lamang umano ang kinakailangang plantsahin para muling lumagda si Blatche ng kanyang bagong kontrata para sa Gilas.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Libre si Blatche para sa qualifier sa darating na Hulyo dahil tapos na ang Chinese Basketball Association season sa nasabing buwan.Nakakontrata si Blatche sa Xianjiang team ng CBA.

Samantala, hindi pa nagbabalik sa kanilang ensayo na nakatakda tuwing Lunes ang Gilas makaraan ang nakalipas na “holiday break” dahil karamihan sa kanilang mga players ay naglalaro sa ginaganap na semifinals ng 2016 PBA Philippine Cup.

Maghihintay pa ang coaching staff sa pamumuno ni coach Tab Baldwin matapos ang gagawing kaukulang adjustment upang hindi naman mabinbin ng matagal ang kanilang ginagawang paghahanda.

Tiniyak naman ni Baldwin, ayon kay Antonio na agad ding ipagpapatuloy ang ensayo sa sandaling makapag-adjust ng schedule para sa nagsimula ng semfinal round na isang best-of-7 affair. (MARIVIC AWITAN)