MAINE AT ALDEN copy

TIYAK na malulungkot na naman ang AlDub Nation at mami-miss nila ng ilang araw si Alden Richards sa kalyeserye ng Eat Bulaga. Paalis mamayang gabi ang Pambansang Bae patungong Dubai for a show, ang “Alden Live In Dubai” sa Duty Free Tennis Stadium sa December 7. 

Pero bukas, December 6, may press conference muna si Alden at meet and greet with his fans. Naghihintay sa kanya ang fans club ng AlDub Nation doon.

After his show sa Dubai, diretso naman si Alden sa Qatar para sa show entitled “Yaya’s Bae Goes To Qatar: Alden Richards Live in Doha” na gaganapin naman sa Qatar Convention Center sa Friday, January 8, 2016.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

One hour lang naman daw ang travel from Dubai to Qatar. Ang show ay part ng celebration ng 10th anniversary ng GMA Pinoy TV.

Mukhang hindi pa rin matutupad ang sinabi ni Sen. Tito Sotto na bawasan naman ng handlers ni Alden ang schedule niya para makapagpahinga naman siya. 

Nang makausap namin si Alden sa Eat Bulaga, tinanong namin siya kung hindi ba siya nagkasakit nang mababad siya sa ulan noong Kapuso countdown sa SM MOA, hindi naman daw, at nagbiro pang hindi raw siya puwedeng magkasaakit dahil marami na siyang commitments sa pagpasok ng 2016. 

Basta hindi naman daw niya pinababayaan ang kanyang health at lagi siyang humihingi ng tulong sa Diyos para magampanan niya ang lahat ng commitments niya.

At siguro nga mahaba ang pagpapahinga si Alden sa travel niya dahil nine hours ang flight from the Philippines to Dubai. Bago nga umalis si Alden, nag-shoot muna siya at nag-record para sa new solo endorsement niya.

Pero ratsada nga si Alden sa biyahe dahil after ng show niya sa Qatar at meet and greet with the fans,babalik agad siya sa Pilipinas. Nangako kasi siya sa mga bossing ng Eat Bulaga at siyempre kay Yaya Dub at sa AlDub Nation na babalik siya ng Sabado, January 9. 

Maganda naman dahil una pala ang oras ng Qatar sa oras natin sa Pilipinas kaya may time na makabalik si Alden in time sa Eat Bulaga. O siya, AlDub Nation, huwag kayong malungkot, babalik agad si Pambansang Bae. (NORA CALDERON)