Daan-daang toneladang basura ang nakolekta ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa iba’t ibang lansangan sa Metro Manila simula Enero 1 hanggang 3.

Ayon sa MMDA umabot sa 319 toneladang basura ang nahakot ng mga tauhan ng Metro Park Clearing Operations.

Pinakamarami ang mga balat ng paputok, plastic bag, styrofoam, lata, lalagyan ng pagkain at upos ng sigarilyo.

Iniugnay ng MMDA ang pagbaba ng nakolektang basura ngayong taon kumpara sa nahakot noong 2015 sa pag-ulan noong bisperas ng Bagong Taon. (Bella Gamotea)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji