Siyam na koponan kabilang na ang tatlong baguhan ang maglalaban-laban para sa darating na season opener Aspirants Cup sa darating na 2016 PBA d-League na nakatakdang magbukas sa Enero 21 sa San Juan Arena.

Pinangungunahan ang mga koponang kalahok ng reigning Foundation Cup champion Café France Bakers, Tanduay Rhum Masters at AMA Univeristy Online Education kasama ang mga nagbabalik na koponang BDO-National University , Vaida Tiles Master na dating kilala bilang Racal Motors at Wangs Basketball.

Kalahok naman sa unang pagkataon ang mga baguhang Mindanao Aguilas, Phoenix Petroleum-Far Eastern University at ang University of the Philippines –QRS/JAM Liner.

Agad na makakaliskisan ang tikas ng Caida Tile Masters at ng UP-QRS/JAM Liner na agad masasalang sa unang dalawang laban na nakatakda sa opening day.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Magtutuos sa pambungad na laro matapos ang isang simpleng opening rites ganap na ala-1 ng hapon ang Caida Tile Masters at ang Tanduay Rum Masters ganap na alas-2 ng hapon habang magtatapat naman sa ikalawang laro na sisimulan ng ika-4 ng hapon ang UP-QRS/JAM Liner at ang BDO-NU.

Batay sa format, ang siyam na koponan ay maglalaro ng single round eliminations kung saan ang walong koponang mangunguna ay uusad sa quarterfinals at maaga namang magbabakasyon ang tatapos na pang-siyam.

Ang magwawaging apat na koponan sa quarterfinals ay magtatapat sa best-of-3 semifinals kung saan ang mananalong teams ang siyang maghaharap sa best-of-5 finals. (Marivic Awitan)