CABANATUAN CITY - Inirekomenda na ng National Food Authority (NFA)-Region 3 probe team na sampahan ng kasong administratibo ang 11 kawani ng ahensiya sa lalawigan sa pagkakasangkot sa maanomalyang misclassification ng mahigit 32,000 sako ng palay.

Ayon kay NFA-Region 3 Director Amadeo De Guzman, nagsisilbing NFA provincial manager, ang paghahain ng kaukulang kaso ay inirekomenda ng four-man probe team.

Kabilang sa 15 kawani ng NFA na isinailalim sa imbestigasyon sa pagkakasangkot sa anomalya sa pagbili ng palay sina Solar Dryer Engr. Edmar Torres; Cesar Paul De Guia, Adam B. Rayos, kapwa quality officers; Leo Thereso G. Ramos, pest control officer; at Jimmy M. Mallari, acting provincial quality assurance officer.

Sinibak naman sina NFA provincial manager George Roca; at Daniel Valenzuela, assistant provincial manager.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

(Light A. Nolasco)