Zero backlog.

Ito ang nais na resolbahin ng kauupong hepe ng Land Transportation Office (LTO) kaugnay ng halos isang taon nang nakabiting paglalabas ng rehistradong plaka ng mga sasakyan at driver’s license.

Sa isang panayam kahapon, sinabi ni LTO Assistant Secretary Atty. Roberto Cabrera na makikipagpulong siya ngayong Lunes sa LTO-Legal Department kaugnay ng usapin.

“So far, I have seen some issues na po, ‘yung mga kasong pending. Pag-uusapan na po namin, uupuan ko na po ‘yun. Hopefully, maliwanagan na po lahat tomorrow para by this week, maumpisahan na po kung anong klaseng problema ang puwede kong ipatupad just to achieve ‘yung mga pending,” paglilinaw nito.

Malaca<b>ñang sa umano'y pagtakbo ni VP Sara sa 2028: 'It's her privilege'</b>

Niliwanag nito na maaaring masimulan ng LTO ang pagpapalabas sa mga bagong plaka at lisensiya sa Mayo.

Gayunman, hindi pa nito matiyak kung kailan ganap na malulutas ang naturang backlog.

“Katulad nga po ng sabi ko, sana hopefully, bago mag-Mayo, mai-deliver na. Dahil ‘yung backlog po na ibang naririnig ko, even if mai-release po natin ‘yan, ilang district offices po kasi ‘yung pagdadalhan niyan,” sabi ni Cabrera.

Inaasahang manunumpa si Cabrera sa tungkulin ngayong araw.

Kabilang sa legal issues na kinakaharap ng LTO ay ang nakabimbing kautusan ng Manila Regional Trial Court (RTC) na nagpapatigil sa pag-a-award at pagbabayad ng driver’s license card supply contract sa kumpanyang Allcard Philippines, Inc. - Rommel P. Tabbad