Sasabayan ng transport caravan ng mga jeepney driver at operator, sa pangunguna ng “No To Jeepney Phaseout Coalition”, ang unang araw ng pagpasok ng mga estudyante at manggagawa sa mga paaralan at tanggapan sa Metro Manila ngayong Lunes.

Ganap na 6:00 ng umaga magsisimula ang transport caravan sa Quezon City Memorial Circle, malapit sa National Housing Authority (NHA), patungo sa tanggapan ng Land Transportation (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Department of Transportation and Communications (DoTC), bilang protesta sa ipatutupad na phase out sa mga Public Utility Jeepney (PUJ) na 15-taon na o higit pa ngayong Enero 2016.

Ayon kay George San Mateo, presidente ng Pinag-Isang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON), layunin ng transport caravan na makumbinsi ang gobyerno na ibasura ang old PUJ phase out.

Tiniyak pa ni San Mateo na mananatiling mapagmatyag at mapanuri ang mga driver at operator laban sa anomang tangkang pagpigil sa pagrerehistro at prangkisa ng mga lumang jeepney sa bansa.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Dahil sa nasabing protesta, asahan na ng publiko, partikular na ng mga motorista, na magdudulot ito ng matinding traffic sa mga lansangan sa Metro Manila. - Bella Gamotea