ni Angie Oredo
Itinala ni Draymond Green ang kanyang ikaanim na triple double ngayong season upang isalba ang nagtatanggol na kampeong Golden State Warriors sa bingit ng kabiguan sa paghugot ng 111-108 overtime na panalo kontra Denver Nuggets sa sarili nitong homecourt sa Oracle Arena.
Humugot si Green ng kabuuang 29-puntos, 17 rebound at 14 na assist tampok ang krusyal nitong pasa kay Klay Thompson sa huling 15.6 segundo sa dagdag na limang minuto upang basagin ang pagtatabla sa 108 iskor at panatilihin ang malinis na kartada ng Warriors sa homecourt sa kabuuang 34 sunod na panalo.
Una munang tinambakan ng Warriors sa unang yugto ang Nuggets, 37-13 bago itinala ang 63-47 abante sa pagtatapos ng unang hati. Gayunman, umahon ang Nuggets sa paglimita sa Warriors sa ikaapat na yugto sa 12- puntos lamang kumpara sa inihulog nitong 25 upang itulak ang laban sa dagdag na limang minute.
Naagaw ng Nuggets ang abante sa overtime matapos na ma-foul para sa dalawang freethrows ni Danilo Gallinari mula sa foul naman ni Warriors guard na si Green, 4:11 pa sa laro.
Gayunman, agad na bumawi si Green para sa Warriors sa pagtabla sa iskor sa 104 mula sa pasa ni Klay Thompson. Sinundan ito ng jumper ni 6-foot jumper ni Ian Clark para sa 106-104. Subalit agad itong itinabla ni Jareth Faried mula sa isang lay-up.
Muli pang hinawakan ng Warriors ang abante sa 17-foot jumper mula kay Marreese Speights sa assist ni Green para sa agawin ng Warriors ang abante sa 108-106 bago muling itinabla ni Faried sa 8-foot driving bank shot.
Nagawa namang umiskor ni Klay Thompson sa isang lay-up sa assist ni Green sa natitirang 15.6 segundo bago ito nabigyan ng foul ni Gary Harris ng Nuggets para sa dalawang freethrow sa huling 6.4 segundo kung saan isa ang naihulog nito para sa 111-108 iskor.
Pinilit ng Nuggets na itulak sa ikalawang overtime ang laban subalit sumablay ang tira ni Will Barton na 26-foot three-pointer mula sa kaliwang banda tungo sa kabiguan.
Naglaro naman ang nagbabalik sa injury na si Stephen Curry sa loob ng 14 na minuto kung saan nagtala ito ng 5 puntos, 4 assist at 2 steal.
Si Curry ay hindi na muling bumalik sa court sa second quarter dahil sa bugbog pa ang alulod nito na kanyang nakamit noong Lunes sa laro ng koponan kontra Sacramento Kings.
Nabatid na nasagi ang bugbog nitong alulod habang naglalaro kaya’t minabuting huwag ng bumalik sa court.
“Pretty much my whole leg,” ayon dito. “It’s just like swelling and stuff that moves around, and you feel it pretty much everywhere, so the impact is on my shin. But I’ve learned over the past 48 hours where the impact is. It can radiate all over.”