Hindi inalintana ng Philippine Volcanoes Under-19 team (juniors) ang masamang panahon at kanilang dinomina ang Hong Kong Juniors Warriors, 49-0, sa ginanap na First Pacific Cup ng rugby sports sa Hongkong bago natapos ang taong 2015.

Nagbida para sa nasabing lopsided na panalo ng national junior squad sina mga team captain na sina Robert Villaluz McCafferty at Rhys Jacob Mackley, outside back Dan O’Rielly at Hamis Roxas McWilliam.

Nauna rito, hindi naman naging kasing palad ng junior team ang Philippine Developmental Team nang yumukod ang mga ito sa Hong Kong Senior Warriors, 0-13 sa Transcom Shield Tournament.

Ang Under-19 team ang nagsisilbing pool para sa susunod na batch ng national team o ng seniors Volcanoes.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Bahagi ito ng programa para makapag-develop at makapag-identify ng mga next generation elite athletes sa sport na maaaring isabak sa international stage, ayon na rink ay assistant coach at Philippine Volcano mentor Jake Letts.

Ayon kay Letts, isa sa kanilang mga napipisil para iakyat sa national team si McCafferty na nagpakita ng malaking improvement sa kanyang laro.

Matatandaang maagang nawala sa kontensiyon ang Volcanoes sa nilahukang qualifiers para sa 2016 Rio de Janeiro Olympics at umabot lamang ng hanggang quarterfinal round sa nakaraang Asian Olympics Qualifications matapos magwagi ng gold medal sa nakaraang Southeast Asian Games sa Singapore noong Hunyo 2015. - Marivic Awitan