Ni MARIVIC AWITAN

Kung ang ilang mga koponan ay maaga ang gagawing preparasyon para sa mid-season conference ng PBA- ang Commissioner’s Cup, binigyan naman ng pagkakataon ng Talk ‘N Text ang kanilang mga player na makapagbakasyon at makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay sa nakaraang Holiday Season.

Habang ang ibang mga team ay may inaasahang reinforcement sa susunod na mga linggo, ang Tropang Texters ay sa isang linggo pa nakatakdang pag-uusapan ang kanilang kukuning import para sa second conference.

Ito ang kinumpirma ni Tropang Texters coach Nash Racela na nagsabing sa susunod na linggo rin muling magsisimula ng ensayo ng kanilang koponan bilang paghahanda para sa susunod na import- laced conference.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bukod sa kanilang magiging import, sinabi ni Racela na inaasahan din nila na magsisimula na ring bumalik sa pag-eensayo si Ranidel de Ocampo na hindi nakapaglaro sa huling yugto ng eliminasyon hanggang sa quarterfinals dahil sa tinamo nitong injury.

Gayunman, hindi naman aniya nila minamadali ang pagbabalik ni de Ocampo dahil nais nilang fully-healed na ito bago muling sumabak sa matinding ensayo.

Matatandaang sinabi ng maraming basketball aficionados na kung hindi na-injured si de Ocampo ay malamang na pumasok ang Tropang Texters sa Final Four ng ginaganap na 2016 Philippine Cup.

Ngunit, mismong si coach Jong Uichico ang nagsabi na totoong malaking kawalan si de Ocampo para sa koponan, ngunit hindi naman ang kanyang pagka-injured ang dahilan kung bakit nabigong makapasok ng Tropang Texters sa semifinals.