George Karl
George Karl

Ni ANGIE OREDO

Ipinagkibit balikat lamang ni Sacramento Kings coach George Karl ang pagtuntong sa kanyang milestone 1,155th panalo noong Sabado ng gabi kung saan mas nagtuon ito sa kasalukuyang kalagayan ng kanyang koponan kumpara sa pagtabla kay Phil Jackson para sa ikalimang pinakamaraming career victory sa kasaysayan ng NBA.

Nagtala si DeMarcus Cousins ng 32-puntos at siyam na rebound upang tumulong kay Karl at nahihirapan na Kings na pansamantalang huminga sa paghugot sa 142-119 panalo kontra sa Phoenix Suns na nahulog naman sa ikawalang sunod nitong kabiguan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang Sacramento ay may 13-20 panalo-talong karta habang ang Phoenix ay may 12-24 rekord.

Lubhang mahabang panahon na ang trabaho para sa 63-taon na si Karl, na kinolekta ang ika-1,155-795 panalo-talo na rekord sa loob ng 27 season kung saan dalawang beses nitong nilabanan at nilampasan ang pagkakaroon ng cancer sa loob ng limang taon.

Kailangan naman ngayon ni Karl na iahon sa bingit ng kamatayan ang isang koponan na nakalasap ng siyan sa sunod na taong kabiguan.

Si Karl ay may pinagsamang 23-39 rekord sa Kings, kabilang ang 13-20 marka ngayong season na tampok ang ilang palyadong taktika. Ang pinakahuli nitong kabiguan ay ang nakadidismayang naganap sa homecourt nito kontra sa Philadelphia na bitbit ang pinakamasamang rekord sa NBA.

‘’Our record brings a lot of energizing drama to our team, and in today’s world it gets magnified in a crazy way,’’ paliwanag ni Karl. ‘’Our team has done a better job with what they have been dealt than people give them credit for most of the time.’’

Ayaw naman ni Karl ikumpara ang sarili kay Jackson bagaman plano nitong iselebra ang panalo.

‘’The beer will taste like champagne,’’ pagpapatawa ni Karl. ‘’It’s good, a fun thing with my family, my son, my daughter, my son-in-law and staff. We joke about it all the time. As I said before, he’s a great coach, maybe the best. I don’t know what our record is against him, but I’m pretty sure it’s not very good.’’

Ang pinakahuling koponan ni Karl ay tanging mahusay lamang sa ikalawang yugto. Ang kabuuan nitong puntos ay ang pinakamaraming naitala ng Kings sapul ng kanilang Sacramento-era rekord 154-puntos kontra Philadelphia, 23 taon na ang nakalipas noong Enero 2, 1993.

Nag-ambag si Darren Collison ng 21- puntos at anim na assist habang si Marco Belinelli ay may 19-puntos para sa Kings. Sina Rudy Gay ay nagdagdag ng 16 puntos at Rajon Rondo ay may 15-puntos at 15 assist.

Namuno si Brandon Knight sa kanyang 23- puntos at Devin Booker ay may 21 para sa Suns, na nabigo sa kanilang 10 sa huling 11 laban.

Samantala, nagtala si Paul George ng 32-puntos upang pamunuan ang Indiana Pacers sa 94-82 panalo kontra sa Detroit Pistons habang nagtala si LeBron James ng 29- puntos upang itulak ang Cleveland Cavaliers para biguin ang Magic, 104-79.