GAUHATI, India (AP/AFP) — Tumama ang 6.7 magnitude na lindol sa malayong rehiyon sa hilagang silangan ng India bago ang madaling araw noong Lunes, na ikinamatay ng anim katao, at mahigit 100 pa ang nasaktan habang maraming gusali ang nasira. Karamihan sa mga namatay ay nahulugan ng mga debris. Tatlong katao ang namatay sa Imphal, ang kabisera ng Manipur state, at tatlo pa sa ibang estado, ayon kay police officer A.K. Jalajit.
Ang sentro ng pagyanig ay nasa 35 kilometro (20 miles) hilagang silangan ng Imphal.
Samantala, sa katabing Bangladesh, tatlo katao ang namatay matapos ma-stroke o atakehin sa puso dahil sa takot sa lindol sa madaling araw.