Halos abot-kamay na ni Janelle Mae Frayna ang kasaysayan bilang pinakaunang Women Grandmaster sa bansa.

Ito ay matapos ang matagumpay na kampanya sa nakaraang 2015 Asean Chess Championship na ginanap sa Sekolah Catur Utut Adianto sa Jakarta, Indonesia.

Kailangan na lamang ng 18-anyos na si Frayna ng kabuuang 35-puntos upang makamit ang natatanging titulo bilang unang babaeng grandmaster ng bansa kung saan inaasahang mas mapapababa pa nito sa kanyang makukuhang puntos matapos na pumangalawa sa nakaraang sinalihang torneo.

Iniuwi ng Woman International Master (WIM) na si Frayna ang pilak na medalya sa women’s division matapos magtipon ng walong puntos mula sa limang panalo at anim na draw.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakapag-uwi naman ang Pilipinas ng isang pilak at dalawang tansong medalya na mula kay Frayna habang napunta ang tanso kay Woman FIDE Master (WFM) Shania Mae Mendoza na may 7.5 puntos buhat sa limang panalo at limang draw at kay International Master Jan Emmanuel Garcia sa men’s open division.

Iniuwi ni Nguyen Thi Mai ng Vietnam ang titulo sa siyam na puntos galing sa pitong panalo at apat na draw.

Sa isa pang tanso ng Pilipinas ay nakuha ni IM Jan Emmanuel Garcia sa men’s division.

Kasalukuyang bitbit ni Frayna ang World Ranking sa all players na 11396 habang sa active player ay 6230 sa Female active players ay ika-237 puwesto. - Angie Oredo