Inaprubahan ng Mababang Kapulungan sa pinal na pagbasa ang panukalang hindi pupuwersahin ang mga guro na magbantay o magtrabaho sa panahon ng halalan.
Isinumite na ang House Bill 5412 (Election Service Reform Act) sa Senado upang talakayin naman ito ng Mataas na Kapulungan. - Bert de Guzman