NOON pa man ay marami na ang nagkakainteres na isapelikula ang kuwento ng buhay ng dating first lady ng Pilipinas na si Imelda Marcos. Kamakailan, usap-usapan na naman na may isang kilalang producer na gagawin daw ang lahat para matuloy ang pagsasapelikula ng buhay ng dating unang ginang.

Kaya nang makausap namin ang pamangkin ni Mrs. Marcos na si Cong. Martin Romualdez, na kilalang matulungin at isa sa senatoriables ngayon, ay napailing siya sa amin. Wala raw siyang alam tungkol sa bagay na iyon.

Pero naniniwala naman si Cong. Martin na interesting talaga ang buhay ng kanyang tiyahin. Kaya nga maski sa London ay nagkaroon ng musical play na Here Lies Love na hango sa buhay ni Mrs. Imelda Romualdez-Marcos.

Pagkatapos ng 2016 elections ay pinag-iisipan ni Cong. Martin Romualdez na pasukin ang pagpo-produce ng pelikula. May mga tema na nga raw siya sa pelikula na maaari niyang gawin pero for the meantime ay ang kandidatura niya sa pagkasenador ang pinagtutuunan niya ng pansin.

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'

Siyempre, ang nagawang pelikulang hango sa kuwento ng mga biktima ng bagyong ‘Yolanda’ na sumalanta sa bayan niya ay nakatawag-pansin din naman kay Cong. Martin.

Malaki rin pala ang naitulong ng naturang pelikula na napasali sa ilang international film festival para sa pagkalap ng tulong para sa mga nasalanta ng naturang kalamidad. --Jimi Escala