Barraza copy

Ni ROBERT R. REQUINTINA

Humingi ng paumanhin sa mga Pilipino ang Colombian na nag-post ng video niya habang sinisilaban ang mga effigy ni 2015 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach ng Pilipinas at ng pageant host na si Steve Harvey.

“I apologize,” sinabi ng Colombian na si Noider Almanza Barraza ilang minuto matapos niyang alisin ang 74-segundong video mula sa kanyang Facebook account.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Sinabi ni Barazza na wala siyang intensiyon na saktan o galitin ang mga Pilipino sa kanyang ginawa, ipinaliwanag na isinakatuparan lang niya ang isa sa mga tradisyon ng kanyang bansa kapag nagpapalit ng taon.

“The video I posted in social media about the burning of dolls that symbolized personalities, which created controversy in 2015 was a tradition at the end of the year in my country. It was meant to leave behind events in 2015 and welcome the New Year and in no may meant to hurt the people of the Philippines,” paliwanag ni Barazza.

Enero 1 nang i-post ni Barraza ang video sa kanyang Facebook na may caption na “De esta manera se quemo misa philipinas y el presentador de misa universp el ano viejo 2015 (silaban si Miss Philippines at ang Miss Universe presenter noong nakaraang taong 2015).”

Nag-post din ang Colombian ng litrato ng kanyang sarili sa tabi ng effigy ng bagong Miss Universe.

Labis na ikinagalit ng mga Colombian ang naging pagkakamali ni Harvey sa pagpapahayag ng nanalo sa 2015 Miss Universe pageant sa Las Vegas, Nevada nitong Disyembre 20, 2015.

Sinabi ni Harvey na ang nanalo ay si Miss Colombia Ariadna Gutierrez, at matapos putungan ng korona ang huli ay humingi ng paumanhin ang talk show host-comedian at sinabing si Wurtzbach ang tunay na nanalo.