Idaraos sa bansa ang pinakamalaking tennis tournament na ITF Challenger sa Rizal Memorial Tennis Center sa Enero 18 hanggang 23, 2016.

Ito ang inanunsiyo ng Sports Event Entertainment Management Inc., na pamumunuan ni Philippine Tennis Association (Philta) chairman Jean Henry Lhuillier.

Tatampukan ng mga world ranked tennis player sa iba’t-ibang panig ng daigdig, layunin nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga lokal na tennis player na makakuha ng ranking points kahit hindi na lumabas pa ng bansa.

Mismong si Lhuillier ang nagsabing higit na mas matipid ang magdaos ng mga ganitong torneo sa halip na ipadala sa ibang bansa ang ating mga netters para sa kaukulang exposure at makakuha ng puntos.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Inaasahang makikipagsapalaran sa nasabing torneo upang magkamit ng wild card slots ang mga pangunahing tennis player ng bansa sa pangunguna ng highest ranked na si Jeson Patrombon gayundin sina Alberto Lim Jr., Johnny Arcilla at Francis Casey Alcantara.

Ilan sa mga world ranked netter na kumpirmado ng lalahok sa tumataginting na $75,000 tournament ay sina Luca Vanni ng Italya, Nikolas Basillashvill ng Georgia, Tatsump Ito ng Japan at Radu Albot ng Moldova. (Marivic Awitan)