Sinimulan ng Philippine Track and Field Association (PATAFA) ang natatanging grassroots sports development program na partikular lamang sa centerpiece sports na track and field sa pagsasagawa ng naiibang Street Athletics sa lungsod ng Dumaguete sa Negros Oriental.
Sinabi ni PATAFA president Philip Ella Juico na isang buwan na halos mula nang simulan ang pilot project na inaasahang magiging modelo para sa gusto pa nitong lugar na kung saan magandang ilunsad ang proyekto na kilalang-kilala sa paghubog at pagdiskubre ng mga mahuhusay na atleta sa track and field events.
“We were able to launched the street athletics in Dumaguete City and it has been going on now for almost two weeks na,” sabi ni Juico, kung saan ang grassroots program ay pinamamahalaan mismo ni dating Philippine Sprots Commission (PSC) Chairman Aparicio “Perry” Mequi.
“They were doing it on the streets, puro sprints lang like the 100, 200 and 400,” sabi ni Juico sa programa na asam nitong maging popular na sports na athletics. “It is one way of promoting athletics in the grassroots as well as in the development program,” sabi pa nito.
Umaasa si Juico na magiging matagumpay ang programa na hangad ituro ang mga basehang event sa athletics upang maengganyo ang mga kabataan na kahit na sa mga bakanteng kalsada ay makapagsagawa ng kanilang mga torneo.
“We are looking at the implementation system of Perry Mequi dahil siya ang model natin sa program. We will learn from the mistakes or ano iyung kulang para sa pagpapaunlad pa nito”.sabi ni Juico