Hindi kasing dami ng insidente ng karahasan noong 2014 at 2015 ang maitatala ngayong 2016, ngunit magdudulot ng maraming sorpresa ang magiging resulta ng eleksiyon sa Mayo 9.

“In politics, individual efforts will be rewarded more than group efforts. Collective movement tends to be in disarray because it will be every man (or woman) for himself. The outcome of the national elections should yield some surprises,” sabi ni Master Hanz Cua, isang feng shui expert, astrologer at Bazi master, sa kanyang taunang taya.

Opisyal na magsisimula ang Year of the Monkey sa Pebrero 8. Sa ilalim ng monkey sign, asahan na ang maraming pagbabago, mga nakatutuwang aktibidad, at nakagugulat na mangyayari sa kapalaran, pag-ibig, at negosyo, ayon kay Cua.

“A year of diplomacy, contemplation and slow steady growth. The energy of the Monkey is not quite so benevolent.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

The astrological sign of the Monkey, combined with the element of Fire is aggressive, witty, unconventional, self-serving and likes to dominate avenues of communication. The Year of the Monkey 2016 is symbolized by two opposing elements: Fire and Metal, with Fire being the stronger, more destructive element. Metal must yield to Fire and so there are many contradictions and conflicts that will characterize this year,” paliwanag ni Cua.

Sinabi rin ni Cua na pabor sa mga artist at entertainers ang taong ito, at higit pa silang sisigla sa larangan ng social media.

Aalagwa rin ngayong taon ang mga industriya ng manufacturing, real estate, banking and finance, construction, social services at research technology, samantalang mananamlay ang sa edukasyon, sakahan, at electronics, ayon kay Cua.

Maganda rin, aniya, ang pagsisimula ngayon ng mga bagong proyekto o negosyo, ngunit kailangan ng labis na pag-iingat upang hindi mauwi sa wala ang mga pinaghirapan, dahil taon din ito ng panloloko.

Sa pakikipagrelasyon, ayon kay Cua, malaki ang posibilidad ng hiwalayan sa mga matagal nang magkarelasyon, habang paborable naman ang taong ito para sa mga single.

Patuloy din, aniya, ang mga kalamidad, at sinabing isang malinaw na babala ang malawakang sunog sa Indonesia noong nakaraang taon, na nakaapekto sa mga kalapit-bansa nito. (ROBERT REQUINTINA)