Todo-bantay ngayon ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa posibleng pagdagsa ng mga illegal migrant, na umano’y mga biktima ng human trafficking, sa pagsisimula ng implementasyon ng ASEAN Economic Community (AEC) ngayong Enero.

“So far, we have not monitored any (surge in the number of foreign workers)...we will just continue our monitoring,” pahayag ni Gerard Seno, opisyal ng TUCP.

Ikinabahala ng pinakamalaking organisasyon ng mga manggagawa ang ulat noong 2013 na umabot sa 3,000 banyaga ang na-monitor na nagtatrabaho sa mga construction site sa Bataan at Batangas nang walang kaukulang alien employment permit (AEP).

Agad na tinugunan ng Bureau of Immigration at Department of Labor and Employment (DoLE) ang report.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Una nang pinawi ni Bureau of Local Employment (BLE) Director Dominique Tutay ang pangamba na dadagsa ang mga migrant worker sa mga lokal na industriya sa bansa, kaugnay ng implementasyon ng AEC.

Ani Tutay, kailangan munang dumaan ang mga banyagang manggagawa sa labor market test bago makakuha ng AEP sa kabila ng kakulangan sa kuwalipikadong aplikante.

Ang AEP ay dokumento na kakailanganin ng isang banyaga mula sa DoLE bago payagang makapagtrabaho sa isang lokal na kumpanya. (Samuel P. Medenilla)