New Natalie copy

NAMAALAM na si Natalie Cole, na isa sa mga pinasikat na awitin ay ang duet nila ng kanyang ama na si Nat “King” Cole sa Unforgettable, sa edad na 65.

Namatay ang Grammy-winning singer nitong Huwebes ng gabi sa isang ospital sa Los Angeles, kinumpirma ng kanyang publicist sa Associated Press news agency.

Nakilala si Natalie bilang R&B artist sa mga awitin tulad ng This Will Be at Inseparable.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Kamakailan lang ay kinansela ni Natalie ang kanyang mga itinakdang pagtatanghal, kabilang na ang concert niya noong New Year’s Eve.

“Natalie fought a fierce, courageous battle, dying how she lived... with dignity, strength and honor. Our beloved mother and sister will be greatly missed and remain unforgettable in our hearts forever,” saad sa pahayag ng kanyang anak na si Robert Yancy at mga kapatid na sina Timolin at Casey Cole, iniulat ng AP.

Isa lang ang US civil rights activist na si Rev. Jesse Jackson sa mga nagpahayag ng pakikiramay sa pamamagitan ng Twitter: “#NatalieCole, sister beloved & of substance and sound. May her soul rest in peace. #Inseparable.”

Si Natalie ay nakipaglaban sa pagkalulong sa ilegal na droga at hepatitis, at sumailalim sa kidney transplant noong 2009.

Naging masigla ang kanyang career noong 1991 matapos ilabas ang album niyang Unforgettable... With Love, na isang tribute para sa kanyang ama, kabilang ang reworked versions ng mga awitin nito, tulad ng That Sunday That Summer, Too Young at Mona Lisa.

Nalaman na siya ay nalulong sa droga noong 1980s at unti-unting nanamlay ang kanyang career habang nakikipaglaban siya sa adiksiyon.

Muli siyang bumalik sa industriya ng musika noong 1987. Kabilang sa mga pumatok niyang awitin ay ang Jump Start (My Heart) at ang kanyang cover ng Pink Cadillac ni Bruce Springsteen. At taong 1989 naman ang Miss You Like Crazy.

Bumalik siya sa classic standards kasama ang kanyang ama noong 1990, at sinabi sa Associated Press na kinailangan niya “[to] throw out every R&B lick that I had ever learned and every pop trick I had ever learned”.

“I didn’t shed really any real tears until the album was over,” ani Cole. “Then I cried a whole lot.

“When we started the project, it was a way of reconnecting with my dad. Then when we did the last song, I had to say goodbye again,” sabi pa ni Natalie. (BBC News)