“MY sweetest dream is returning to my home. We used to live a comfy life, which we didn’t appreciate, but now I dream of every little bit of it,” sinabi ni Ibtisam Abdul-Qader, isang babaeng Syrian na kinailangang lisanin ang kanyang tahanan sa Yarmouk Camp sa katimugan ng kabiserang Damascus makaraang durugin ng digmaan ang kanilang lugar.

Ang hiling ni Abdul-Qader ngayong 2016 ay tiyak na hinahangad din ng karamihan ng Syrians, na napilitang lisanin ang kanilang bansa upang makaiwas sa tumitinding karahasan at kaguluhan na lumamon na sa buong Syria, at nagbunsod upang mawalan ng masisilungan ang kalahati ng 23 milyong populasyon nito.

“Returning home is our sweetest dream. I pray to return home. We have had the best life but we didn’t appreciate it.

After the crisis, we have come to realize the value of our old lives,” naluluhang sabi ni Abdul-Qader habang inaalala ang kanyang bahay sa Yarmouk Camp, na tinutuluyan din mga Palestinian refugee.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Isang state servant, sinabi ni Abdul-Qader na nilisan niya ang Yarmouk noong 2012 matapos umulan ng mortar shells malapit sa kanilang bahay at pinili nilang manirahan sa isang hotel sa loob ng dalawang linggo, sa pag-aakalang mapapawi rin ang kaguluhan makalipas ang ilang linggo.

Hindi na makaya ang gastusin sa hotel, lumipat si Abdul-Qader sa silangang distrito ng Jaramnah at doon na nanatili hanggang ngayon.

Isa pang Syrian mula sa Yarmouk Camp, si Khaled Khatib, ang nagsabing nilisan niya ang kampo mahigit tatlong taon na ang nakalipas, at tatlong beses nang lumipat ng tirahan bago nanatili sa isang lugar ng mahihirap sa Dhadil.

“My hopes are for me and my family to return home and peace to return to this country and I also wish if the prices here could go down. My situation is miserable as I’m a state servant and our situation as employees is extremely bad,” aniya, bagamat bakas sa mukha ang natitirang pag-asa sa mas mabuting buhay para sa kanyang pamilya.

Hindi lang nagmula sa Yarmouk Camp ang mga lumikas, dahil maraming lugar sa paligid ng Damascus ang naging saksi sa matinding karahasan sa nakalipas na limang taon ng kaguluhan.

Nilisan ni Salim Abu Assaf, 60, ang kanlurang bayan ng Damascus na Zabadani mahigit tatlong taon na ang nakalipas.

Nakatira siya ngayon at ang anim niyang anak sa isang nirerentahang apartment malapit sa Damascus.

“I am trying hard and working different kinds of things just to be able to buy bread for my family and nothing more than that. I wish I could return home to my house in Zabadani. Returning home is the dream of everyone,” aniya.

Sinabi ni Assaf na umaasa siyang sa pamamagitan ng ipatutupad na kasunduan ay makauuwi na siya sa Zabadani, na roon ay patuloy na umaatake ang Syrian Army at ang Lebanese Hezbollah upang mabawi ang bayan mula sa mga rebelde.

Nagkasundo ang militar at ang mga rebelde, matapos mamagitan ang Iran at Turkey, na ililikas ang mga rebelde mula sa Zabdani at kapalit nito ay ititigil ng huli ang pagsalakay sa dalawang kampi sa gobyerno na bayan ng Shiite na Kafraya at Foa sa Idlib.

Ang unang bahagi ng kasunduan ay nakumpleto anim na buwan na ang nakalilipas, at nagpatupad ng tigil-putukan. Ang ikalawang bahagi ay naisapinal sa unang bahagi ng nakalipas na linggo, nang pahintulutan ang mga sugatang rebelde at kanilang mga pamilya na lisanin ang Zabdani kasabay ng paglilikas sa mga mandirigmang Shiite at pamilya ng mga ito mula sa Kafraya ay Foa.

Gayunman, marami pa ring sibilyan ang nananatili sa Kafraya, Foa, at Zabadani, naghihintay ng mga isasakatuparang plano para sa paglilikas sa kanila habang patuloy nilang tinitiis ang gutom, lamig, at karamdaman.

PNA/Xinhua